Nakakagulat, marami ang nakahiwalay sa siksik, maze sa lunsod ng Metro Manila, ang kabisera ng bansa. Ang mga sambahayan ay nasa gitna ng lungsod, ngunit ang ilan ay hindi pa rin konektado – o iligal na konektado – sa pangunahing grid ng kuryente.
Abutin ang mga nakahiwalay na sambahayan
Ang mga sambahayan sa Pilipinas ay nakahiwalay sa iba't ibang paraan. Ang ilan ay heograpiyang nakahiwalay ng mga bundok o tubig, na ginagawang mahirap para maabot ang mga tagapagkaloob ng kuryente.
© Mathilde Charlet © Ezra Acayan AFD
Upang maabot ang mga komunidad na nangangailangan, gumamit ang ATE Co ng paraan na nagiging matagumpay sa maraming bansa sa Africa. Ito ay ang Pay-As-You-Go (PAYG): magbabayad ang bawat pamilya ng maliliit na halaga araw-araw o kung kailan nila makayanan, hanggang mabuo nila ang halaga ng isang “solar lighting kit”. Noong Agosto 2016, ang unang kostumer na si Allan Godinez na taga-Smokey Mountain sa Tondo, ay tumanggap ng isang SunKing Home 60. Noong Agosto 17, 2016, nagsimulang magbayad si Allan ng 20 pesos araw-araw. Ang kit ay nakapagpailaw ng tatlong bombilya at nakapag-”charge” ng “cellphone”, o isang maliit na 5-volt na kasangkapan. Pagkatapos ng isang taon, noong Agosto 1, 2017, naging ganap ang pag-aari ni Allan sa kanyang “solar kit” at nakagamit na siya ng libreng elektrisidad galing sa araw na wala nang dagdag na bayad. Buong taon din na binibisita ng mga Field Officer ng ATE Co si Allan upang mangolekta: sa simula ay arawan ang bayad ni Allan, at di nagtagal naging lingguhan ito. Sa bawat pagpunta ng Field Officer, tinatanggap niya ang bayad at pinapagana ang bateriya: 20 pesos sa bawat 24 oras na ilaw at pagkarga (o pag-”charge”) ng “cellphone”.
Sa kasalukuyan, halos 500 na tahanan sa Metro Manila ang mga kostumer ng PAYG at nagsimula nang mag-arkila ng “solar kit”. Sa unang bahagi ng 2019, sinuri ng ATE Co ang 75 porsiyento sa kanila. Ito ang kanilang napag-alaman: 19 porsiyento ang nabubuhay sa halagang mas mababa sa $3.20 (same comment above) araw-araw, at 54 porsiyento ang nabubuhay sa halagang mas maliit sa $5.20. Bago sila sumali sa programa ng ATE Co, 57 porsiyento ang gumagamit ng elektrisidad na walang pahintulot o nagbabayad ng labis gamit ang “submeter”; 24 porsiyento naman ang gumagamit ng mapanganib na paraan para lang makaluto o magkailaw (gas, kandila, “generator”, atbp). Sa paggamit nila ng mga produkto ng ATE Co, nakatipid sila ng 30 porsiyento sa kanilang pangkaraniwang gastos sa kuryente.
Upang matugunan ang pangangailangan ng indibidwal at pamilya sa elektrisidad batay sa kanilang kakayahang magbayad, apat na produkto ang inaalok ng ATE Co sa pamamagitan ng PAYG:
- Boom Lantern, na may isang ilaw na may radyo at USB slot (para sa telepono o 5-volt na kasangkapan), isang solar panel, isang lagayan.
- SunKing Home 60, na may isang 6,000 mAh bateriya na may USB slot (para sa telepono o 5-volt na kasangkapan), isang solar panel na 6 watts, isang radyo, at tatlong bombilya para sa kisame na may “switch”.
- SunKing Home 120, na may isang 12,000 mAh bateriya na may USB slot (para sa telepono o 5-volt na kasangkapan), isang solar panel na 12 watts, isang radyo, at tatlong bombilya at isang de-sensor na bombilya para sa kisame na may “switch”.
- BAGONG – OmniVoltaic Solar Home System, na may isang bateriya, isang solar panel, 3/4 bombilya para sa kisame na may “switch”, isang bentilador, at isang TV.