Hindi tagabigay ng elektrisidad ang ATE Co, kundi tagabigay ng serbisyo na namamahagi ng elektrisidad sa mga bahay, katulad ng simple na mga “solar home system” o “microgrid”.
ATE Co lapitan
Ang ATE Co ay nagtatrabaho para sa at kasama ang mga komunidad na nasa piligro upang matugunan ang pangangailangan nila sa elektrisidad sa isang ligtas at malinis na paraan.
Ayon sa ATE Co, ang isang komunidad ay nasa piligro kung: ang mga mamamayan ay gumagamit ng hindi ligtas o hindi maayos na paraan para magkaroon ng ilaw o kuryente (gas, sulo, kandila, generator, o bateriya); ang mga mamamayan ay walang mapagkunan ng kuryente sa legal na pamaraan; o ang mga mamamayan ay hindi kumikita ng sapat sa sahod upang mamuhay nang maayos (hindi nakakain ng tatlong beses sa isang araw; kulang sa sustansya; hindi makapag-aral nang tapos; walang pang-ospital pag nagkasakit, atbp).
Nakikilala ng ATE Co ang mga komunidad na ito sa pamamagitan ng impormasyon galing sa lokal na pamahalaan, mga kooperatiba sa kuryente, mga lokal na samahan, NGO, atbp. Kadalasan may mga partner ang ATE CO na tumutulong sa kanila sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Pumapasok lang ang ATE Co sa isang komunidad kapag may pagtutulungan at pahintulot galing sa mga lokal na opisyal.
Kapag nakahanap na ng angkop na pook ang ATE Co, ipapakilala ng ATE Co staff team ang programa sa komunidad. Dahil sa pagpunta ng ATE Co sa “field” o sa mismong lugar, nakikilala nila ang mga komunidad, nakaka-alok o nagpapakilala sila ng mga tugon sa problema, at nakapagkasuri sila ng mga pangangailangan ng mga tao lalo na sa elektrisidad, at ang kanilang kakayahang magbayad. Sa unang bahaging ito ng kanilang gawain, napag-aralan ng ATE Co kung maisagawa ba ang kanilang programa sa mismong komunidad at natutulungan silang tiyakin ang pagtanggap ng kanilang inaalok na serbisyo. Sa kasalukuyan, ang ATE Co ay nagtatrabaho na sa mga lungsod ng Metro Manila, sa mga kalapit na paligid-lungsod, at sa mga bayan ng Rizal, Quezon Province at Northern Samar.
Ang ATE Co ay nag-aalok ng malinis na elektrisidad. Upang maging abot-kaya ito kailangan may paraan ng pagbayad na ayon sa kakayahan ng mga tao. Ang halaga na ibabayad ng isang pamilya araw-araw o bawat linggo ay tinitingnan at hinahambing sa ginagastos ng pamilya sa karaniwang gawa. Dahil mababa ang kakayahang pinansiyal ng mga miyembro ng komunidad, kadalasan hindi sila nakakabayad nang buo para sa isang “solar kit”, kaya ang modelo ng ATE Co ay ang pagbayad muna ng maliliit na halaga upang hindi mabaon sa utang ang mga pamilya.
Upang maintindihan ang tungkol sa “solar energy”, kung paano ayusin ang kit kung magka-problema, at paano magamit ang elektrisidad sa masinop na paraan, kailangan ang pagsasanay ng mga kostumer ng ATE Co. Sa bawat komunidad, may sinasanay ang ATE Co na siyang maging kaugnayan ng mga kostumer at staff ng ATE Co. Ang tawag sa kanila ay mga AFO, o Area Field Officer, na nangongolekta ng kabayaran, tumutulong sa pag-aalaga ng kit, at tumutugon sa mga problema sa paggamit ng kit kung mayroon man.
Bilang buod, ang layunin ng ATE Co ay makatulong sa mga komunidad na matindi ang pangangailangan lalo na sa elektrisidad, makapagsuri at maintindihan ang kanilang kakayahang pinansiyal, at makaalok ng solusyon sa pamamagitan ng “solar kit”. Kung maisama ng ATE Co ang mga miyembro ng komunidad sa solusyong ito, na magbubunga ng benepisyo na ligtas, maaasahan at abot-kayang elektrisidad, masasabi ng ATE Co na nakamit nila ang kanilang layunin.