© Mathilde Charlet
Kakulangan ng gasolina sa Pilipinas
Ang kawalan ng ligtas at maaasahang pinagmulan ng ilaw, gas para pangluto, o kuryente para umandar ang mga gamit sa bahay ay naglalarawan ng ugat ng kakulangan ng elektrisidad.
Kung walang ligtas at abot-kayang paraan upang makagamit ng elektrisidad, hahanap ang tao ng ibang puedeng magawa, tulad ng paggamit ng kandila, ilaw galing sa gas, generator gamit ng diesel, bateriya ng kotse, at ilegal na koneksiyon sa kuryente. Dahil sa hindi mabuting pamamaraan na ito ay namimiligro ang kanilang kalusugan at ang kaligtasan ng kanilang mga tahanan at ng buong komunidad.
Sa kanayunan, ang kalayuan ng mga bayan at ang kakulangan ng kuryente ay dalawang sanhi ng kakulangan ng elektrisidad. Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago na may 7,000 isla, hindi madaling magtayo ng mga “centralized grids”. May mga komunidad na mahirap maabot dahil nasa kabundukan sila o nasa maliliit na isla. Kaya marami sa kanila malayo sa elektrisidad dahil ang mga lugar kung saan sila nakatira ay hindi angkop sa teknolohiya para sa “standards grid”.
Ang mapanganib na sitwasyon kung saan limitado ang kakayahang gumamit ng elektrisidad ay mapapansin din sa kalungsuran. Sa mga lugar ng mga tinatawag na “informal settlers” maraming tahanan ang may kuryente sa pamamagitan ng mga “jumper”. Ang mga pangangailangan upang makapagpakabit ng kuryente sa legal na paraan ay napakarami at kumplikado (mataas na bayad para magpa-rehistro, opisyal na pahintulot, legal na mga ID, pagmamay-ari ng lupa, atbp); dagdag pa ay ang matagal na pag-antala bago maitayo ang mga “standard grid” sa bagong lugar na paglilipatan ng mga komunidad o “relocation sites”.
Kung walang tiyak na pagkukunan ng elektrisidad, maaring walang ilaw sa gabi; hindi makaluto nang maayos ang mga tao; hindi sila makapagpatuloy nang trabaho; at hindi makapag-aral ang mga bata pagkatapos lumubog ang araw. Kung walang kuryente, hindi makagamit ng mga maliliit na kasangkapan ang mga tao para sa pang-araw-araw na pangangailangan, tulad ng “charger” ng telepono.
Sa kabila nang napaalam na 90 porsiyento na ng bansa ay nagkakuryente na, may isa at kalahating milyong mga pamamahay o halos 8 milyong tao ang hindi naabot ng elektrisidad. Hindi kasama dito ang mga pamamahay na palaging nakakaranas ng pagkawala ng kuryente o brownout.
Dagdag pa sa nag-iibang lupain ng bansa, isa pang hadlang sa pagkakaroon ng makapagkatiwalaang elektrisidad ay ang kakayahang pinansiyal ng bawat pamamahay ilang porsiyento ng populasyon ang namumuhay sa ibaba ng tinatawag na “poverty line”, kumikita ng mas mababa pa sa itinakdang kita bawat araw para mamuhay ng matiwasay. Marami din ang hindi regular ang sahod. Kaya madalas hindi kaya ng mga tao ang mga babayaran upang magkaroon ng legal na koneksyon sa kuryente, at madalas ay pahirapan sa pagbayad ng kuryente bawat buwan.
© Mathilde Charlet
Nagbabalak ang Department of Energy na makamit ang 100 porsiyentong elektripikasyon sa bansa sa taong 2025. Nangangailangan ito ng napakalaking kapital galing sa pribado at publikong sektor. Ang layunin ay upang madagdagan ang kakayahang maabot ang elektrisidad sa mga lugar na malayo sa “standard grid”, at ang mas mapabuti ang paggamit nito. “Bawat Pilipino, sa bawat sulok ng bansa, ay magkakaroon ng mas mataas na kalidad ng buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng makapagkatiwalaan, ligtas, maganda ang kalidad, at abot-kaya na elektrisidad.” Ngunit ang katunayan ay hindi maabot ng modelo ng “standard grid” ang buong bansa.