Subalit sa labas ng Maynila at sa mga kanayunan, hindi rin lahat ay naabot ng elektrisidad, at kakaunti lang ang mga trabaho na nagbibigay ng regular na sahod. Magkaiba ang buhay sa Metro Manila at sa kanayunan: sa kanilang pamumuhay, ang pagkaroon ng maunlad na hanapbuhay, ang pagkakataong makatanggap ng mga serbisyo, atbp. Ang pagpakabit ng kuryente, ang pagkamapagkakatiwalaan at halaga nito, ay nakikita din galing sa punto de bista ng kanayunan, upang makahanap ng paraan ng pagdala ng kuryente sa mga lugar na iyon.
Buksan ang mga malayong malayo at off-grid na mga nayon na may matalinong grids
Ang karanasan ng ATE Co sa pagpapamahagi ng elektrisidad sa mga mahihirap na komunidad sa mga lungsod ng Metro Manila ay nagpatunay na napakamahal ng elektrisidad--ito ang karaniwang pinakamalaking bahagi ng panggastos sa bahay.
© Henri Souville ©OKRA
Kasama ng aming partner, ang OKRA, gumawa ang ATE Co ng paraan upang maabot ang mga komunidad na wala sa “grid”. Ito ay sa pamamagitan ng pagpabahagi ng malinis at matipid na “solar energy” o elektrisidad galing sa araw sa anyo ng maliliit na “solar grid” kung saan ang mga bahay ay makikipaghati sa kuryente ayon sa kanilang pangangailangan.
Ang OKRA ay isang kumpanya galing sa Australia na gumagawa ng “solar technology” (o teknolohiya gamit ang lakas ng sikat ng araw), na nanalo ng parangal bilang pinakamakabago na kumpanya. Gumawa ang OKRA ng isang produkto na maaring gamitin sa mga komunidad na malayo sa lungsod. Ang “charge controller” ang utak ng sistema at ito ang kanilang ipinamahagi sa ATE Co.
Ganito nagagamit ang produkto: Sa isang komunidad na may 50 bahay, malamang magkakaiba ang pangangailangan ng bawat isa–may mga nangangailangan ng dalawang ilaw, may iba na gusto ng isang ilaw at dalawang bentilador, at may iba na gagamit ng tatlong ilaw at isang “refrigerator”. Ang iba-ibang kagamitan na ito ay may katumbas na bilang ng “watts” na tinipon ng ATE Co bilang mga “package” na may halaga–mula 8 hanggang 45 pesos bawat araw. Pipili ang mga pamilya kung anong “package” ang gusto nila at kayang bayaran, at gagawa ang ATE Co ng “grid” na makakolekta ang lakas galing sa sikat ng araw. Bawat bahay ay may sariling “charge controller” na makapag-ipon ng kuryente ayon sa napili nilang “package”.
Ang unang pagsubok ay ginawa sa tulong ng Quezon Province Electric Cooperative (QUEZELCO II) na namamahala sa paglagay ng kuryente sa buong probinsiya. Nagsimula ang ATE Co na maglagay ng produkto sa mga bahay noong Oktubre 2019 sa Palasan Island; walang kuryente sa buong isla.
Naging posible ang pagsubok ng bagong teknolohiya dahil sa pakikipagtulungan sa isang kooperatiba ng kuryente tulad ng QUEZELCO. Sa pangmatagalan, naniniwala ang ATE Co na ang maparaan na paggamit ng lakas na hindi nauubos ay ang solusyon sa elektripikasyon kung ang lupain ng isang bansa ay hindi angkop sa “standard centralized grid”.